Pangulong Duterte, wala pang napipisil na susunod na PNP chief

Wala pang napipisil na susunod na Philippine National Police (PNP) chief si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na magreretiro na si PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa susunod na buwan.

Ayon sa pangulo, kokonsultahin niya muna ang kaniyang gabinete kung sino ang karapat-dapat na maging pinuno ng pambansang pulisya.

Mahirap aniyang ura-uradang pumili ng bagong PNP chief sa pangambang madapa na naman ang papalit sa puwesto ni Albayalde.

Read more...