Mga panawagang pagbibitiw kay Albayalde, hindi papatusin ni Pangulong Duterte
Hindi papatusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng ilang senador na papagbitiwin na sa puwesto si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde.
Ito ay kahit na nadadawit ang pangalan ni Albayalde na protektor umano ng ninja cops.
Sa talumpati ng pangulo sa Davao City, sinabi nito na buo pa naman ang kaniyang tiwala at kumpiyansa kay Albayalde.
Bibigyan ng pangulo si Albayalde ng due process at hahayaan si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na magsagawa ng imbestigasyon.
Kung ang kriminal aniya ay binibigyan ng due process, marapat lamang na pagkalooban ng kaparehong proseso si Albayalde.
Hamon ng pangulo, dapat na magbigay ng matibay na ebidensya ang mga nag-aakusa na sangkot nga sa ilegal na droga si Albayalde.
Sa ngayon, sinabi ng pangulo na pag-aaralan niya muna ang kaso ni Albayalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.