WATCH: Pangulong Duterte, nilinaw na walang police general na sangkot sa ilegal na droga

By Chona Yu October 06, 2019 - 05:01 PM

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang police generals na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Taliwas ito sa kaniyang pahayag sa Russia na dalawang police generals ang naglalaro sa operasyon ng ilegal na droga.

Sa arrival speech ng pangulo sa Davao City, sinabi nito na base sa kaniyang natanggap na report, colonel lamang ang ranggo ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Nalilito kasi ang pangulo sa ranggo ng PNP.

Paliwanag pa ng pangulo, ang akala niya sa ranggong superintendent ay general.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Duterte:

TAGS: colonel, ilegal na droga, Pangulong Rodrigo Duterte, PNP, police general, colonel, ilegal na droga, Pangulong Rodrigo Duterte, PNP, police general

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.