Nakalabas na ng ospital si Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy.’
Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinugod kasi si Advincula sa PNP General Hospital makaraang makaranas ng pananakit ng dibdib at mahirapang huminga.
Sinabi ng PNP na normal ang lumabas na resulta sa mga isinagawang heart at x-ray tests kay Advincula.
Malinaw din ang paghinga ni Advincula.
Ayon sa PNP, ang pinal na diagnosis ng ospital kay Advincula ay anxiety disorder.
Si Advincula ang nasa likod ng kontrobersyal na “Ang Totoong Narcolist” na nagdawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.