Labi ng aktres na si Amalia Fuentes, bubuksan sa public viewing Linggo ng gabi

By Ricky Brozas October 06, 2019 - 02:00 PM

Bubuksan na para sa public viewing ang mga labi ng namayapang aktres na si Amalia Fuentes, Linggo ng gabi.

Sa impormasyon na inilabas ng pamilya ng 79-anyos na aktres, unang ibinurol ang mga labi nito Sabado ng gabi sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Quezon City.

Linggo naman ng hapon ay dadalhin ang labi nito sa Mt. Carmel Shrine sa Doña Juana Avenue, New Manila, Quezon City para sa public viewing.

Sinasabing malapit lang ang Mt. Carmel Shrine sa tahanan ni Amalia sa Magdalena Rolling Hills.

Magsisimula ang public viewing mula 7:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi.

Ganap na 1:00 ng Lunes ng hapon naman hanggang 12:00 ng hating-gabi, muling idaraos ang public viewing. Isang banal na misa ang idaraos pagsapit ng 7:30 ng gabi.

Napagkasunduan daw ng naulilang pamilya ni Amalia na ihatid ito sa kaniyang huling hantungan sa Martes, October 8, pero hindi pa nabanggit kung saan ito ililibing.

TAGS: Amalia Fuentes, Mt. Carmel Shrine, public viewing, Amalia Fuentes, Mt. Carmel Shrine, public viewing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.