Pananamit ni Panelo, pinuna ni Pangulong Duterte

By Chona Yu October 06, 2019 - 01:57 PM

Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananamit ni Presidential spokesman Salvador Panelo.

Sa talumpati ng pangulo sa meet and greet sa Filipino community sa Russia, sinabi ng pangulo na model ng rampa si Panelo.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang pagsusuot ni Panelo ng punit-punit na maong pants, pagsusuot ng boots na aniya’y wala namang dalang kabayo.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na si Panelo ang karaniwang kinukuhang abogado ng mga artista lalo na sa mga mag-asawang nagpaplanong maghiwalay.

Biro ng pangulo, kapag si Panelo ang kinuhang abogado, tiyak na tuluyan nang maghihiwalay ang mag-asawa.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte:

Nakangiti lang naman si Panelo habang panay ang biro ng pangulo sa harap ng Filipino community sa Russia.

TAGS: model, Pangulong Rodrigo Duterte, Russia, Salvador Panelo, model, Pangulong Rodrigo Duterte, Russia, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.