Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 11:20 ng umaga, iiral ang moderate to heavy rain showers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.
Mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Maliban sa nabanggit na lugar, apektado rin ng masamang lagay ng panahon ang Tagkawayan sa Quezon.
Pinayuhan naman ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.