Pangulong Duterte, pabalik na ng Pilipinas matapos ang 5-day official visit sa Russia
Pabalik na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang official visit sa Russia, Sabado ng gabi oras sa Russia, Linggo ng madaling-araw oras sa Pilipinas.
Umalis ang sinasakyang eroplano ng pangulo sa Vnukono Military Base Airport bandang 4:21 ng madaling-araw.
Sa limang araw na official visit, nakipagpulong si Pangulong Duterte kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa Moscow at kay Russian President Vladimir Putin sa Sochi City.
Nagbigay din ng talumpati ang pangulo sa Valdai Forum kasama ang ilang matataas na lider ng ibang bansa.
Naiuwi ng pangulo ang 11 business agreements sa pagitan ng Pilipinas at Russia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.