11 youth offenders, nakatakas mula sa reformation center sa Cebu

Tumakas ang 11 youth offenders mula sa isang reformation center sa Barangay Kalunasan ng Cebu City, araw ng Sabado, Oct. 5.

Nakuha ng Cebu City Police Office ang pagkakakilanlan ng mga nakatakas na menor de edad, kaya ikinasa na ang operasyon para mahanap at maibalik na sila sa reformation center.

Batay sa ulat ng pulis, inatake ng mga bata ang ilang staff ng nasabing center habang sila ay naghahain ng pagkain.

Hinila ng mga pulis, kulang sa personnel ang pasilidad para mabantayan ang halos 200 na mga bata na nasa loob ng reformation center.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring insidente.

Read more...