LTFRB maglalaan ng PUVs para sa mga pasahero ng LRT-2

By Den Macaranas October 05, 2019 - 06:25 PM

Inquirer file photo

Maglalaan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 20 mga makabagong public utility vehicles sa ruta ng Light Rail Transit (LRT) 2.

Ito ay para mabigyan ang tulong ang mga apektadong pasahero habang hindi pa nagagawa ang nasunog na rectifier ng nasabing train system.

Sinabi ni Atty. Hernando Cabrera, spokesman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ipinangako na ng LTFRB ang nasabing mga PUV na magsisimulang mamasada sa ruta ng LRT-2 sa Lunes.

Nauna dito ay sinabi ng pamunuan ng LRT-2 na pipilitin nilang maibalik ang operasyon ng mga tren sa rutang Cubao-Recto sa araw ng Martes.

Mananatili ng ilang buwan ang partial operation ng LRT-2 hanggang sa mabili ang mga kailangang spare parts na magmumula pa sa ibang bansa.

Kanina ay inihayag ng LRTA na aksidente at hindi arson ang naging dahilan ng sunog sa rectifier ng LRT-2.

Hindi rin umano ito kagagawan ng mga terorista pero magpapatuloy pa rin ang kanilang gagawing imbestigasyon sa pangyayari.

Tinatayang aabot sa halos ay P500 Million ang gagastusin para maibalik sa normal ang power system ng LRT-2 na nasunog noong Huwebes.

TAGS: Cabrera, LRT2, lrts, ltfrb, PUV, Cabrera, LRT2, lrts, ltfrb, PUV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.