Negros Oriental, 11 oras na mawawalan ng kuryente bukas, Oct. 6

Nag-anunsyo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magsasagawa sila ng maintenance activities sa kanilang pasilidad sa lalawigan ng Negros Oriental, araw ng linggo, Oct. 6.

Dahil dito 11 oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng nasabing lalawigan na magsisimula pasado alas-6:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Base sa abiso ng NGCP, ang mga pasilidad sa Pulantubig, Bagacay, Dauin and Siaton Substations ang mga maaapektuhan ng nasabing maintenance.

Kaya apektado ang mga cosumer ng NORECO II, isang electric cooperative sa Negros Oriental.

Humingi ng pagunawa ang pamunuan ng NGCP sa mga apektadong residente dahil ito naman ay para maisaayos ang electric supply sa kanilang lugar.

Read more...