Duterte hahayaan ang imbestigasyon ng Senado bago magdesisyon sa ninja cops

By Den Macaranas October 05, 2019 - 04:17 PM

Malacanang file photo

Inanunsyo ng Malacanang na hindi makikisawsaw sa imbestigasyon ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa “ninja cops”.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hahayaan ng pangulo ang imbestigasyon ng mga Senador at pagkatapos nila ay saka maglalabas ng aksyon at tugon ang pangulo sa isyu.

Sa kanyang talumpati sa Russia ay sinabi ng pangulo na mayroon pang dalawang heneral ang sangkot sa illegal drug trade pero hindi naman niya sinabi kung ang nasabing mga generals ay galing ba sa militar o pulisya.

Sinabi rin ni Panelo na hihintayin ng pangulo ang rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa kaso ng ninja cops pati na rin sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na mas magiging madugo ang mga huling taon ng kanyang administrasyon lalo na sa operasyon laban sa iligal na droga.

TAGS: albayalde, DILG, duterte, ninja cops, panelo, albayalde, DILG, duterte, ninja cops, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.