13-anyos na dalagita, patay matapos na masagasaan ng van sa Iloilo

By Marlene Padiernos October 05, 2019 - 04:09 PM

Hindi na nakaabot pa sa pagamutan ang buhay ng isang dalagita na papauwi na sana sa kanilang bahay nang masagasaan ito ng isang van sa lalawigan ng Iloilo.

Sa naging imbestigasyon ng Pototan Municipal Police Station, hindi napansin ng biktima ang paparating na L300 na van nang tumawid ito sa isang highway ng Barangay Cahiguikican pagkababa nito sa bus na kanyang sinasakyan.

Tinitignan ding anggulo ng mga otoridad na posibleng mabilis na takbo ng van dahil sa lakas ng tama ng pagkakabangga sa biktima.

Agad namang sumuko sa mga otoridad ang 35-anyos na driver ng nasabing van.

Samantala, nakipagkasundo naman na ang pamilya ng biktima sa driver na sasagutin nito ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa biktima.

Sinabi naman ng mga pulis na accident prone area talaga ang lugar na pinangyarihan ng aksidente lalo na sa gabi dahil sa madilim ang kalsada at wala ring kailaw ilaw.

TAGS: L300 na van, lalawigan ng Iloilo, nasagasaan, Pototan Municipal Police Station, L300 na van, lalawigan ng Iloilo, nasagasaan, Pototan Municipal Police Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.