5 taong gulang na batang babae, hinalay muna bago pinatay sa Camarines Sur
Kalunos-lunos ang sinapit ng limang taong gulang na batang babae matapos na gahasain muna bago pinatay.
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente nang papauwi na sa kanilang tahanan galing sa kanyang paaralan ang biktimang kinilalang si Jasmine Rentorua Bellen na nakatira sa Brgy. Marangi sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.
Bandang 1:25 ng madaling araw nang i-report ng kanyang mga magulang ang kanyang pagkawala matapos na bigong makauwe ito galing sa kanilang eskwelahan.
Dakong 9:45 naman ng umaga nang matagpuan ng mga otoridad kasama ang mga kamag-anak ng biktima at ilang mga residente ang bangkay ng biktima pati narin ang bag at payong nito sa isang masukal na bahagi ng kanilang barangay na pinaniniwalaang lugar ng pinangyarihan ng krimen ng hindi pa nakikilalang suspek.
Samantala, isang person-of-interest naman ang inaresto ng mga pulis na kalaunan ay pinakawalan din dahil sa kawalan ng mga testigo at matibay na ebidensya.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyareng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.