Smartphone factory ng Samsung sa China sarado na
Kinumpirma ng Samsung Electonics na itinigil na nila ang paggawa ng smartphones mula sa kanilang huling planta sa China.
Ang tinutukoy ng Samsung ay ang nag-iisa na lang nilang production hub sa Huizhou na matatagpuan sa southern part ng China na minsan ring naging sentro ng kanilang operasyon sa nasabing bansa.
Aminado ang Korean company na hindi madali para sa kanila na itigil ang operasyon sa China.
Ito ay makaraang bumagsak ang benta ng Samsung sa nasabing bansa na ngayo’y pinangungunahan ng Huawei at Xiaomi.
Mula sa China ay sa Vietnam na ngayon ang sentro ng production hub ng Samsung ng kanilang smartphones.
“The production equipment will be re-allocated to other global manufacturing sites depending on our global production strategy based on market needs,” pahayag pa ng Samsung.
Nananatili naman ang Samsung bilang world’s biggest maker ng semiconductors at smartphones at major producer ng display screens.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.