Ex-convict patay sa pamamaril sa Makati City

By Marlene Padiernos October 05, 2019 - 01:43 PM

Dead on arrival ang isang lalaki matapos na paulanan ito ng bala ng isang hindi pa nakikilalang gun man.

Ang biktima ay kinilalang si Dennie Gile, 24, isang online shoe seller NHA Merville Access Road, Pasay City.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, taong 2018 nang makulong si Gile sa kasong iligal na droga sa Pasay City Jail at nitong Setyembre lamang nang makalaya ito.

Ayon sa inilabas na ulat ng Makati City Police, kakababa lamang ni Gile mula sa grab car na sinasakyan niyo nang mangyari ang nasabing pamamaril bandang 11:30 ng gabi, (October 5) sa kanto ng Filmore at Boyle Street sa Brgy. Palanan, Makati City.

Sasamahan sana ng biktima at ng kanyang asawa ang kanilang tatlong taong gulang na anak para mag audition sa isang talent recruitment studio.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang isinagawang krimen.

Nakuha mula sa crime scene ang tatlong cartridges ng kalibre 45 na baril at isang deformed na bala.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga posibleng motibo at salarin sa nasabing krimen.

TAGS: dead on arrival, Dennie Gile, makati city, Makati City Police, Pasay City Jail, dead on arrival, Dennie Gile, makati city, Makati City Police, Pasay City Jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.