Chavit Singson at Lopez family bagong partner ng DITO Telecommunity

By Den Macaranas October 05, 2019 - 12:32 PM SHARE(S):
RTVM

Inihayag ng DITO Telecommunity na tuloy na ang kanilang pagpasok sa commercial operations sa susunod na taon bilang third player sa telecom industry sa bansa.

Kasabay nito ay kanila na ring isinapubliko ang mga bagong partners mula sa pribadong sektor para sa pagsasa-ayos ng kinakailangang infrastructure facilities.

Sinabi ng DITO na pumasok sila sa partnership sa SkyCable Inc. ng Lopez family at sa grupo ni Chavit Singson.

Magugunitang si Singson ay kabilang sa mga nag-bid noong nakalipas na taon para sa pagtatayo ng bagong telecom company sa bansa pero siya’y nabigo.

Ang DITO consortium ay naunang nabuo sa pagitan ng Udenna Corporation ng negosyanteng si Dennis Uy at ng China Telecom.

Sinabi ni DITO chief administrative officer Adel A. Tamano na sa pagpasok ng kanilang mga bagong business partners ay tiyak na mas magiging maayos ang pagpasok sa industriya ng kanilang grupo.

Nauna nang sinabi ng DITO na bibigyan nila ang mga Pinoy ng mas mabilis na internet connection sa mas mura halaga kapag nakumpleto na nila ang kanilang mga pasilidad sa bansa.

TAGS: BUsiness, Chavit Singson, China Telecom, dennis uy, dito telecommunity, lopez, skycable, BUsiness, Chavit Singson, China Telecom, dennis uy, dito telecommunity, lopez, skycable

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.