Magalong aminadong kabado dahil sa kaliwa’t kanang death threats

By Den Macaranas October 05, 2019 - 11:04 AM

Inquirer file photo

Aminado si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na humingi siya ng dagdag na security detail sa Philippine National Police (PNP).

Ito ay dahil sa patuloy na mga banta na kanyang tinatanggap mula nang siya’y humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa operasyon ng “ninja cops”.

Ilang mga senir officials ng PNP ang nagsabing handa silang tumulong para sa kanyang seguridad ayon kay Magalong.

Bukod sa kanya ay tumatanggap na rin umano pagbabanta ang kanyang pamilya.

Sa Baguio City Hall ay ipinatutupad na rin ang dagdag na seguridad mula nang humarap sa Senado ang dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Samantala, inamin rin ni Magalong nalabis siyang nag-aalala sa kanyang seguridad lalo’t may nakuha umano siyang mga impormasyon na may mga grupo na ang nakipag-usap sa ilang gun-for-hire syndicate para siya ay ipapatay.

Sa kabila ng mga banta, sinabi ni Magalong na nagpapalakas ng loob para sa kanya ang mga suporta na mula sa mga dating kasamahan sa PNP at mismong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw rin ng opisyal na walang halong pulitika ang kanyang ginawang pagbubunyag sa operasyon ng ninja cops.

TAGS: albayalde, baguio city, duterte, magalog death threats, ninja cops, PNP, albayalde, baguio city, duterte, magalog death threats, ninja cops, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.