6 patay sa banggaan ng isang trak at FX sa Gumaca, Quezon

By Den Macaranas October 05, 2019 - 10:12 AM

Umakyat na sa anim ang bilang ng mga patay samantalang tatlong iba pa ang sugatan sa banggaan ng isang 10-wheeler truck at isang Toyota Tamaraw FX sa bayan ng Gumaca, Quezon.

Sa paunang imbestigasyon ng Gumaca Police Office, posible umanong nakatulog ang tsuper ng FX kaya sinalubong nito sa kabilang linya ang paparating na truck.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Maharlika Highway, Barangay Bamban, ayon kay Quezon Provincial Police Director Col. Audri Madrideo.

Sa lakas ng salpukan ay nayupi ng husto ang Tamaraw FX ayon pa ay Madrideo.

Kabilang sa mga casualties ang mismong driver ng FX at lima sa kanyang mga pasahero.

Ang mga sugatan naman ay kasalukuyang ginagamot sa Gumaca District Hospital.

Kasaluyan namang nasa custody ng PNP ang driver ng truck na si Gerome Villar na kakasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property

TAGS: Gumaca, madrideo, Quezon, Vehicular accident, Gumaca, madrideo, Quezon, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.