US senator at presidential aspirant Bernie Sanders inatake sa puso
Kinumpirma ng kanyang mga duktor na dumanas ng heart attack tatlong araw na ang nakalilipas si US Senator Bernie Sanders.
Gayunman siya ay nakalabas na sa pagamutan sa Las Vegas.
Sa inilabas na advisory ng kanyang kampo, sinabi nila na nakabalik na sa kanyang mga gawain ang 78-anyos na mambabatas at naghahanda na sa 2020 Democratic presidential nomination.
“Sen. Sanders was diagnosed with a myocardial infarction,” his doctors said in the statement, using the medical term for a heart attack.Two stents were placed in a blocked coronary artery in a timely fashion. All other arteries were normal”, ayon sa kampo ni Sanders.
Noong Martes ay dumanas ng pananakit ng dibdib ang US senator kaya mabilis siyang isinugod sa isang pagamutan sa Las Vegas kung saan ay nanatili siya dun ng ilang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.