300 gwardya sa Bilibid sinibak ng BuCor

By Len Montaño October 05, 2019 - 03:59 AM

Alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na balasahan sa New Bilibid Prison (NBP), inutos ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang pagsibak sa 300 na mga gwardya sa Bilibid sa Muntinlupa.

Ang tinanggal na mga BuCor guards ay nakatalaga sa maximum security compound ng NBP.

Ayon kay Bantag, may ilang jail guards ang maiiwan pero hindi tiyak kung papayagan silang bumalik sa BuCor.

Hakbang ito ng BuCor chief kasunod ng naging kontrobersya sa pagpapalaya ng mga convicts dahil sa good conduct time allowance (GCTA).

Ang direktiba ay ipinatupad ni Bantag bilang bagong pinuno ng BuCor kapalit ni Nicanor Faeldon.

 

TAGS: 300 gwardya, Bilibid, bucor, BuCor chief Gerald Bantag, GCTA, Maximum Security Compound, NBP, sinibak, 300 gwardya, Bilibid, bucor, BuCor chief Gerald Bantag, GCTA, Maximum Security Compound, NBP, sinibak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.