Albayalde inakusahan ng cover-up ng isang dating kongresista

By Len Montaño October 05, 2019 - 03:28 AM

Inakusahan ni dating Biliran Rep. Glenn Chong si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ng cover-up kaugnay ng drug raid ng mga dati nitong tauhan sa Pampanga noong 2013.

Sa kanyang video na nakapost sa Ang Malayang Pilipino Facebook page, sinabi ni Chong na napikon na si Albayalde sa pagtatanong sa kanya sa Senado na nag-iimbestiga sa isyu ng “ninja cops.”

Bilang suporta sa alegasyong cover-up ni Albayalde, binanggit ni Chong ang kaso ng kanyang dating aide na si Richard Santillan na napatay sa operasyon ng pulisya sa Cainta Rizal noong December 9, 2018.

Ayon sa dating mambabatas, dalawang beses niyang sinulatan si Albayalde habang tatlong beses naman ang ilang opisyal sa Camp Crame pero wala anyang sagot ang mga ito.

Sinabi ni Chong na paglabag sa batas ang hindi pagsagot ng opisyal sa liham ng mamamayan.

Narito ang video ni Atty. Glenn Chong.

TAGS: cover-up, dating Biliran Rep. Glenn Chong, ninja cops, PNP chief Oscar Albayalde, richard santillan, cover-up, dating Biliran Rep. Glenn Chong, ninja cops, PNP chief Oscar Albayalde, richard santillan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.