Malakanyang ikinatuwa ang pagbagal ng inflation rate sa Setyembre

By Angellic Jordan October 05, 2019 - 02:47 AM

Ikinagalak ng Palasyo ng Malakanyang ang pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 0.9 percent ang inflation rate sa bansa sa nagdaang buwan.

Sa inilabas na pahayag, ikinagalak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pagbagal ng inflation rate sa nakalipas na tatlong taon.

Ani Andanar, nakikita ang resulta ang mga programa ng gobyerno sa kabila ng mga natatanggap ng kritisismo.

Malaking tulong aniya rito ang Rice Tarifficiation law kung kaya’t nakakabili ang mga consumer ng mabababang halaga ng bigas dahil sa mataas na suplay.

Tiniyak naman aniya ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagpapabilis sa mga programa para mapagbuti ang kakayahan ng mga magsasaka sa bansa.

Ang naitalang 0.9 percent na inflation rate sa Setyembre ay pinakamababa mula noong June 2016 kung saan nakapagtala ng 1.3 percent.

 

TAGS: 0.9 percent, ikinatuwa, inflation rate, Malakanyang, neda, pagbagal, PCOO Sec. Martin Andanar, Philippine Statistics Authority, Rice Tarifficiation law, Setyembre, 0.9 percent, ikinatuwa, inflation rate, Malakanyang, neda, pagbagal, PCOO Sec. Martin Andanar, Philippine Statistics Authority, Rice Tarifficiation law, Setyembre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.