P2M halaga ng shabu nakumpiska sa lalaki sa Mandaue

By Len Montaño October 05, 2019 - 02:33 AM

CDN Digital photo | Norman Mendoza

Nahulihan ang isang tambay na lalaki ng P2 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng pulisya sa Mandaue City alas 6:00 Biyernes ng gabi.

Arestado ang suspect na si Rommel Llatona, 23 anyos at residente ng Barangay Pahina Central sa Cebu City.

Nahuli ito sa operasyon ng mga tauhan ng City Intelligence Branch ng Mandaue City Police Office sa pangunguna ni Police Major Regino Maramag.

Narekober sa suspect ang anim na pakete ng shabu na bawat isa ay may timbang na 50 gramo o kabuuang 300 gramo.

Ayon sa Dangerous Drugs Boars, ang 300 gramo ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon sa presyong P6,800 kada gramo.

 

TAGS: 300 gramo, 6 na pakete, Mandaue City, P2 milyon, shabu, tambay, 300 gramo, 6 na pakete, Mandaue City, P2 milyon, shabu, tambay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.