2 batang pasyente sa San Lazaro Hospital kumpirmadong may meningococcemia

slh.doh.gov.ph photo

Kinumpirma ng San Lazaro Hospital araw ng Biyernes na dalawang pasyente nila ang nagpositibo sa meningococcemia.

Ayon kay Dr. Ferdinand De Guzman, chairman ng Department of Family Medicine ng ospital, nasa isolation room na ang dalawa at bumubuti na ang lagay ng mga ito.

Ilan sa sintomas ng pagkakaroon ng meningo ay mga pantal sa katawan, pananakit ng ulo, mataas na lagnat, pagsusuka at stiff neck.

Isa namang sanggol na isinugod araw ng Huwebes sa San Lazaro Hospital ay namatay na at hinihinala ring may meningo dahil sa mga sintomas na ipinakita nito.

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 168 ang kaso ng meningococcemia sa bansa kung saan 88 ang nasawi.

Naipapasa ang sakit sa pagbahing, pag-ubo at paggamit ng kubyertos ng mga taong meron nito.

Umapela si De Guzman sa publiko na agad pumunta sa ospital kapag mayroong mga sintomas ng sakit.

 

Read more...