Apela ni UP coach Perasol sa kanyang suspensyon ibinasura ng UAAP
Tuloy ang suspensyon ni University of the Philippines (UP) coach Bo Perasol matapos itong pagtibayin ni UAAP season 82 commissioner Jensen Ilagan.
Ibinasura ng UAAP ang apela ni Perasol kaugnay ng ipinataw na tatlong larong suspensyon sa kanya.
Ayon kay Ilagan, hindi kailanman humingi ng paumanhin si Perasol sa liga dahil sa sa ginawa nito.
Iginiit ng UAAP commissioner na ang pag-atake ni Perasol kay referee Jaime Rivano sa panalo ng Ateneo kontra UP noong September 29 ay “unjustifiable” sa kabila ng reklamo nito laban sa officiating.
Bilang head coach, isa anyang role model si Perasol at mahalaga sa UAAP ang “character building.”
“Officiating may not be perfect, but it cannot justify outbursts like what he did. As head coach, he should know that he is a role model, and in the UAAP where character building is of paramount importance, Mr. Perasol should have been aware of that,” ani Ilagan.
Dagdag ng UAAP head, dapat umiral ang respeto sa lahat ng oras. Ang ginawa anya ni Perasol ay hindi lamang paglapastangan sa mga opistal kundi sa UAAP na rin.
“Respect should be observed at all times. Mr. Perasol did not only disrespect the officials that time but the UAAP as well. The sad part here is that Mr. Perasol never apologized to the UAAP for what he did.”
Dahil na-eject sa laro ay automatic ang one-game suspension ni Perasol pero dinagdagan ito ni Ilagan ng dalawang larong suspensyon dahil sa patuloy nitong pag-atake sa referee.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng UAAP legal team na ang pagbasura ni Ilagan sa apela ni Perasol ay base sa umanoy mali nitong pag-intindi sa UAAP rules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.