67 pang online lenders ipinatawag ng NPC dahil sa reklamo sa data privacy

Naglabas ang National Privacy Commission (NPC) ng summons sa 67 pang hindi nakalistang operators ng online lending applications.

Ito ay bunsod ng reklamo laban sa mga online lenders ukol sa data privacy.

Kabilang dito ang umanoy access at paggamit sa mga contact persons ng mga biktima sa kanilang mga cellphones ng walang consent.

Ang impormasyon ang ginagamit ng lending app para sabihan ang mga contact persons na sila ay co-makers o character references ng mga biktima.

Ayon sa NPC, ilan ang nagreklamo na kinukuha ng online lenders ang contacts sa telepono para mabayaran ang utang habang ang personal na impormasyon sa social media ay pinopost nila ng wala ring consent ng biktima.

Dahil dito, inutusan ng NPC ang board of directors ng mga lending apps na humarap sa Commission para sa summary hearing, magsumite ng Responsive Comment at magprisinta ng kanilang depensa.

Ayon sa ahensya, ang mga operators ng mga hindi nakalistang kumpanya ay walang kaukulang pangalan ng kumpanya o business address.

“Our investigation team is committed in attending to all the complaints filed against online lending apps. However, to date, only the Uniform Resource Locator (URL) and the developers behind the 67 apps are identifiable. They have no known company name and business address, nor has anyone appeared before the Commission to represent them. Our investigators are aware that some of these online lending apps are just existing in the cloud. With the defendants being unknown, summons by publication is needed in order to comply with the rules on acquiring jurisdiction and the principle of due process,” pahayag ni Privacy Commissioner Raymund Enriquez Liboro.

Ang sumusunod na operators ang ipinatawag ng NPC:

  1. Akulaku
  2. Batis Loan
  3. Cash bus
  4. Cash flyer
  5. Cash loan
  6. Cash moto
  7. Cash to go
  8. Cash warm
  9. Cashafin
  10. Cashaku
  11. Cashalo
  12. Cashaso
  13. Cashmoney loan
  14. Cashope
  15. Cashwhale
  16. Crazy Loan
  17. Credit coin
  18. Credit peso
  19. Crutchpil
  20. First lending
  21. Flash cash
  22. Happy cash
  23. Hello papaya
  24. JK Quick Cash Lending
  25. Kwago
  26. Lalapeso (Mintwagon Lending Corp)
  27. Lending cash
  28. Light credit
  29. Loan champ
  30. Loan motto
  31. Loan wallet
  32. Mabilis cash
  33. Mango cash
  34. Mango loan
  35. Mcmpire
  36. Megaloan
  37. MF cash (Microdot Lending Corporation)
  38. Moola lending
  39. One cash
  40. Online loans Pilipinas
  41. Pautang peso
  42. Pera advance
  43. Pera express
  44. Pera lending
  45. Pera Pocket (Rainbow Cash)
  46. Pera4u
  47. Peso legend
  48. Peso lending
  49. Peso now
  50. Peso online
  51. Peso Q
  52. Peso to Go
  53. Peso tree
  54. Peso wallet
  55. Peso.ph
  56. Peso2go
  57. Pesomine
  58. Pesos ph
  59. Pesos.ph
  60. Pinoy cash
  61. Pinoy peso
  62. Pondo pocket
  63. QCash
  64. Sell loan
  65. Super cash
  66. Super peso
  67. Utang pesos

 

Read more...