Asahan ang maulap na panahon na may kasamang pag-uulan at thunderstorms araw ng Sabado, October 5.
Ayon sa Pagasa, ito ay dahil sa low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Pero sinabi ng Pagasa na may tsansa na malusaw o humina ang sama ng panahon bukas.
Sa 24-hour public weather forecast, maulap sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora.
Maaari itong may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Maulap din ang panahon sa Metro Manila na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala ang Pagasa na posible ang flash floods at landslides sa severe thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.