PNP nagpalabas ng tracker teams para tugisin ang 19 na GCTA beneficiaries
Agad tumalima ang Philippine National Police (PNP) sa utos ni Pangulong Duterte na patuloy na tugusin ang 19 national prisoners na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Nagpalabas ang PNP ng mga tracker teams para tugisin ang mga itinuturing ng pugante.
Nabatid na ang 19 ay kabilang sa 1,714 preso na magaang nakalaya at hindi sumuko matapos ang 15-day deadline na itinakda ni Pangulong Duterte.
Kasama sila sa inilabas na listahan ng DOJ.
Tatalima naman ang pambansang pulisya sa utos ng DOJ na limitado ang manhunt sa ‘search and arrest’ lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.