Balitang may nasawi sa Batangas City dahil sa meningococcemia itinanggi ng provincial government

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 08:38 PM

Pinakakalma ng Batangas Provincial Government ang mga residente hinggil sa mga kumakalat na balitang panibagong kaso ng meningococcemia sa Batangas City.

Ayon sa pahayag, hindi totoong may kaso ng meningococcemia sa Brgy. Alangilan, Batangas City.

Kumalat kasi sa Facebook ang balitang may namatay sa naturang barangay pero ayon kay Dr. Rosvilinda Ozaeta, Batangas Provincial Health Officer, ang batang nasawi sa Alangilan ay dahil sa matinding hika at hindi kaso ng menigo.

Ang tanging kumpirmadong kaso ng meningo sa Batangas ay ang babae na galing Dubai, UAE na inaunsyo ng Department of Health (DOH) na nasawi sa Tanauan noong Sept. 21.

Ang tatlong iba pang nasawi sa mga bayan ng Lian, Nasugbu at San Jose ay wala pang resulta ang ginawang blood tests.

Paalala ng pamahalaang panlalawigan sa publiko maging responsable sa pagpapakalat at pagbabahagi ng mga balita at kuwento sa social media.

TAGS: batangas city, Lian, meningococcemia, Nasugbu, San Jose, batangas city, Lian, meningococcemia, Nasugbu, San Jose

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.