19 na convicts na nakalaya dahil sa GCTA ipinaaaresto ni Pangulong Duterte

By Angellic Jordan October 04, 2019 - 08:22 PM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang 19 na convicts na sangkot sa karumal-dumal na krimen, ayon sa Philippine National Police.

Ito ay mga convict na maagang napalaya sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na ang 19 convicts ay hindi sumuko sa ibinigay na 15 araw na ultimatum ng Punong Ehekutibo.

Ani Banac, ipinag-utos ng pangulo sa PNP ang operasyon sa pag-aresto sa 19 convicts na kabilang sa partial list mula sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor).

Bumuo na rin aniya ng mga tracker team para sa ikakasang search and arrest operation laban sa mga convict.

Matatandaang natapos ang ultimatum ng pangulo noong September 19.

TAGS: bucor, convicts, GCTA, PNP, bucor, convicts, GCTA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.