Miss Eco Teen Philippines Vanessa Mae Walters binawian ng korona

October 04, 2019 - 08:03 PM SHARE(S):

Binawi ng Miss World Philippines Organization ang korona ng nagwaging Miss Eco Teen Philippines.

Inanunsyo ng ng Miss World ang pagbawi sa korona ni Vanessa Mae Walters bilang 2019 Miss Eco Teen Philippines bunsod ng sumusunod na kadahilanan:

– Misrepresentation of credentials
– Unprofessional behavior
– Indecency

Ayon sa Miss World, hindi dumadalo si Walters sa mga official function na layong ipromote ang Miss Eco Teen Philippines.

May pagkakataon din na nag-walk out ito sa pulong kasama ang national director, at tumangging pumirma sa kontrata sa organisasyon.

Sinabi pa ng Miss World na ipinarating sa kanila ng Miss Eco Teen International Organization na si Walters ay may kumakalat na hubad na larawan online at nag-post pa mismo ito ng hubad niyang larawan sa sariling social media accounts.

Kasama din sa dahilan ang paglalantad ni Walters habang umiinom at naninigarilyo.

Ayon sa Miss World malinaw na paglabag ang mga ito sa Candidate Rule Book ng organisasyon.

Ipinalit kay Walters si Daena Resurreccion para maging pambato ng Pilipinas sa Miss Eco Teen pageant.

TAGS: Miss Eco Teen Philippines, Miss World Philippines Organization, Vanessa Mae Walters', Miss Eco Teen Philippines, Miss World Philippines Organization, Vanessa Mae Walters'

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.