Tatlong LPA ang binabantayan ng PAGASA
Tatlong low pressure area ang binabantayan ng PAGASA sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, huling namataan ang isang LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 510 kilometers Silangang bahagi ng Baler, Aurora.
Nakaaapekto aniya ang trough ng LPA sa dulong Hilagang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, inaasahang uulanin ang Northern Luzon sa araw ng Sabado hanggang Linggo.
Samantala, mayroon din aniyang isang shallow LPA na nasa labas pa ng bansa sa layong 1,750 kilometers Silangang bahagi ng Mindanao.
Malabo aniya itong lumakas at sa halip ay malulusaw lamang sa mga susunod na araw.
Maliban dito, huli namang namataan ang ikatlong LPA sa 4,295 kilometers Silangang bahagi ng Luzon.
Ani Quitlong, mahigpit itong binabantayan ng weather bureau dahil posible itong maging bagyo bago pumasok sa bansa.
Maaring pumasok ang sama ng panahon sa bansa sa araw ng Huwebes, October 10, o Biyernes, October 11.
Depende pa aniya ito sa magiging galaw ng dalawang LPA sa loob ng PAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.