Halaga ng pinsala ng sunog sa LRT-2 umabot sa P428M
Umabot sa P428 million ang tinatayang halaga ng pinsala sa sunog na naganap sa LRT line 2.
Ayon kay LRT-2 Administrator Gen. Reynaldo Berroya, matinding pinsala ang natamo ng dalawa nilang rectifier substations.
Ipinaliwanag naman ni Berroya kung bakit maaring umabot ng hanggang siyam na buwan bago magbukas muli ang operasyon ng kanilang Santolan to Anonas stations.
Ani Berroya ang mga nasirang gamit ay hindi basta-basta nabibili.
Ang pagpapalit ng nasunog na gamit ay dadaan sa proseso ng procurement, delivery, installation, testing at commissioning.
Sa ngayon sinabi ni Berroya na patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Nakatakda ring dumating sa bansa ang mga commissioning engineers mula sa Estados Unidos na nagkaroon ng partisipasyon noon sa pag-disenyo at pagkakabit ng rectifier substations.
Ito ay upang makatulong sila sa ginagawang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.