9 na pulis sa Central Visayas sinibak sa serbisyo matapos magpositibo sa drug test

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 06:09 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Sinibak sa sebisyo ang siyam na tauhan ng PNP mula sa Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) matapos na magpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Ayon kay PRO-7 Director Police Brigadier General Debold Sinas, ang mga nasibak ay pawang may ranggong Patrolman hanggang Police Master Sergeant.

Kinilala ang mga nasibak na pulis na sina:

• Patrolman Merlo Daclan Laborte
• Patrolman Frances Maucesa
• Patrolman Greggy Gica
• Patrolman Jayrome Solano
• Patrolman Joseph Tabo-tabo
• Police Corporal Jose Marie Garcia
• Police Corporal Gilfredo Carungay
• Police Staff Sergeant Joffrey Mulat
• Police Master Sergeant Darwin Gonzales

Ang siyam ay nagpositibo sa drug tests na ginawa noong 2018 at 2019. Nauna na silang natanggal sa kani-kanilang pwesto at ngayon pormal nang nasibak sa serbisyo.

Maliban sa pagkakasibak, mahaharap din sila sa kasong administratibo at kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Ayon kay Sinas, maliban sa paggamit ng ilegal na droga, ang siyam ay kabilang sa tinaguriang “ninja cops” na sangkot sa pag-recycle ng illegal drugs na kanilang nakukumpiska.

Ngayong muling nabubuhay ang mga alegasyon tungkol sa ‘ninja cops’ ay tiniyak ni Sinas na mas hihigpitan nila ang paglilinis sa kanilang hanay at magpapatuloy ang pagsasagawa ng random drug testing sa PRO-7.

TAGS: dismissed from service, Police Regional Office in Central Visayas, PRO-7 Director Police Brigadier General Debold Sinas, dismissed from service, Police Regional Office in Central Visayas, PRO-7 Director Police Brigadier General Debold Sinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.