Global trade war maaring makaapekto sa inflation rate sa ngayong buwan – BSP

Bagaman naging mabagal ang inflation noong buwan ng Setyembre nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa maaring maging epekto ng global trade war.

Ayon sa BSP, malaking pagbaba ang nangyari matapos na 0.9 percent lang ang naitala na inflation noong nagdaang buwan na pasok sa forecast inflation range ng BSP na 0.6 hanggang 1.4 percent.

Ayon sa BSP, ang 0.9 inflation rate ay bunsod ng pagbaba sa halaga ng presyo ng bigas at pagbaba din ng presyo ng kuryente.

Pero ayon sa BSP, maaring makaapekto sa presyo ng serbisyo at mga produkto ang nagpapatuloy na tensyon sa trade relations ng United States at China.

Ang September inflation ang pinakamababa na ngayong taon.

Read more...