Inflation mas babagal pa ngayong buwan ayon kay Rep. Joey Salceda

By Erwin Aguilon October 04, 2019 - 05:49 PM

Radyo Inquirer File Photo
Naniniwala si House Ways and Means Committee Chair at Albay Rep. Joey Salceda na patuloy pa ang pagbaba ng inflation rate ng bansa sa ngayong buwan ng Oktubte.

Mas mababa pa ito sa 0.9% na naitala ngayong Setyembre.

Sa pagtaya ng ekonomistang mambabatas nasa 0.8% lamang ang inflation ngayong buwan.

Paliwanag ng mambabatas, ang pagbaba ng inflation ay dahil sa rice tariffication law kung saan bumaba ang presyo ng bigas dahil sa maraming suplay.

Hindi na rin anya makakaapekto ang biglaang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa pag-atake sa oil facilities sa Saudi matapos naman ang pagbaba rin ng presyo nito.

Gayunman, inaasahan anya ang pagtaas ng inflation sa Nobyembre at Disyembre na maaring pumalo sa 1.2% at 1.9%.

Ito ayon kay Salceda ay magiging epekto ng aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas mas kinalaman sa pagbaba ng policy rates at reserve requirement sa Nobyembre.

Kasunod din anya ito ang pagbuhos ng gastos ng gobyerno dahil sa pagka antala ng pagsasabatas ng 2019 budget.

TAGS: Inflation, price of basic commodities, rice tariffication, Inflation, price of basic commodities, rice tariffication

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.