Ayon sa DOLE, aabot sa 500 manggagawa ang makikinabang sa nasabing tulong sa loob ng dalawang buwan.
Ang tulong ay bahagi ng programa ng DOLE na “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o Tupad”.
Ang ‘Tupad’ ay emergency employment program ng DOLE para sa mga displaced workers, underemployed, at seasonal workers.
Kahalintulad ito ng tulong na ipinagkaloob sa mga empleyado ng nasunog na mall sa Davao City noong nakaraang taon, mga manggagawang naapektuhan ng pagputok ng bulkang Mayon noong 2018 at mga naapektuhan ng 6 na buwang pagsasara ng Boracay.
Magsasagawa din ng profiling ang Public Employment Service Office (PESO) ng Pasay City sa mga apektadong manggagawa para sa posibilidad na mabigyan sila ng alternatibong hanapbuhay.