39 na flights naapektuhan ng mahigit isang oras na red lightning alert sa NAIA
Umabot sa 39 na flights ang naantala ang biyahe dahil sa mahigit na isang oras na pag-iral ng red lightning alert sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), umabot isa hanggang dalawang oras na na-delay sa pag-alis ang biyahe ng mga naapektuhang eroplano.
Sa NAIA Terminal 1, tatlong na international flights ang naapektuhan, apat na international flights at apat na domestic flights ang naantala ang alis sa NAIA Terminal 2, limang international flights at sampung domestic flights sa NAIA Terminal 3 at sampung domestic flights sa NAIA Terminal 4.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng NAIA sa mga naapektuhang pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.