Road repair at reblocking isasagawa sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend

By Angellic Jordan October 04, 2019 - 04:36 PM

Magsasagawa ng road repair at reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimulang isara ang mga aayusing kalsada bandang alas onse, Biyernes ng gabi, October 4.

Narito ang mga apektadong kalsada:

Southbound:
– EDSA – Camp Crame Gate 1 hanggang MRT Annapolis Station (ikalawang lane mula sa sidewalk)

– EDSA – Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane)

– EDSA-Roosevelt Avenue hanggang Bulacan Street (ikatlong lane mula sa sidewalk)

– G. Araneta – Baloy Street hanggang Landragon St. (ikalawang lane mula sa sidewalk)

Eastbound:
– Quirino Highway, Quezon City – Salvia St. bago mag-Belfast Road (inner lane)

– Elliptical Road – pagkatapos ng Maharlika Street (ikapitong lane mula sa outer sidewalk)

Westbound:
– General Luis Street – Samote Street hanggang SB Road

Northbound:
– A. Bonifacio Avenue – Marvex Drive hanggang Balingasa (unang lane mula sa sidewalk)

– EDSA – pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York Street (ikatlong lane mula sa sidewalk)

– EDSA – Mula Gate 4 hanggang Gate 3 (ikalawang lane mula sa center island)

– Katipunan Avenue/C5 Road – Pagkatapos ng CP Garcia Street (truck lane)

Muli namang bubuksan sa mga motorista ang mga nabanggit na kalsada bandang alas singko, Lunes ng madaling-araw, October 7.

Samantala, magsasagawa naman ng pavement restoration sa bahagi ng Pasig Boulevard sa Barangay Pineda sa Pasig City simula alas diyes Biyernes ng gabi, October 4, hanggang alas kwatro, Lunes ng madaling-araw, October 7.

Maaapektuhan nito ang ikalawang lane mula sa sidewalk malapit sa Petron Gasoline Station.

Maliban dito, mayroon ding manhole restoration sa southbound ng C5 Road, Barangay Bagumbayan sa Quezon City simula alas diyes Biyernes ng gabi, October 4, hanggang alas kwatro, Lunes ng madaling-araw, October 7.

Apektado naman nito ang ikalawang lane mula sa sidewalk ng C5 Road malapit sa Shakey’s Pizza Parlor sa JW Plaza Building.

Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

TAGS: DPWH, Metro Manila, mmda, October 4 to 7, Road repair at reblocking, DPWH, Metro Manila, mmda, October 4 to 7, Road repair at reblocking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.