Nakahintong Cessna plane bumaligtad sa NAIA dahil sa lakas ng hangin

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 04:59 PM

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Isang private plane ang bumaligtad sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Biyernes (Oct. 4) ng hapon.

Ayon kay NAIA General Manager Ed Monreal, sa sobrang lakas ng hangin ay bumaligtad ang Cessna 172 plane na may registry number na RPC 5002.

Nakahinto lamang sa NAIA Complex ang Cessna plane nang mangyari ang insidente.

Wala namang nasaktan sa pangyayari at hindi rin ito nagdulot ng pinsala sa katabing eroplano.

TAGS: Cessna Plane, NAIA, Pagasa, thunderstorm advisory, weather, Cessna Plane, NAIA, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.