UV, bus ng Coast Guard at MMDA magsasakay ng mga pasahero ng LRT-2

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 04:21 PM

Simula bukas ay magdaragdag ng mga bus at UV Express na magsasakay ng mga pasaherong apektado ng tigil-operasyon ng LRT-2.

Ngayong araw ay sinimulan na ang pagde-deploy ng apat na shuttle bus na nagsakay ng mga pasahero mula sa Santolan patungong Cubao.

Bukas daragdagan pa ang mga bus at magde-deploy din ng bus ang Philippine Coast Guard.

Nakipag-ugnayan na rin ang LRT Administration sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para payagan na may makapagsakay na UV Express sa mga apektadong istasyon.

May mga nakausap na aniya silang UV Express units.

Nilinaw naman ni Cabrera na may bayad ang pamasahe kapag sa UV Express, habang libre naman ang sakay kapag sa bus ng MMDA at Coast Guard.

TAGS: bus, coast guard, LRT 2, mmda, uv express, bus, coast guard, LRT 2, mmda, uv express

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.