NCRPO, naghahanda na para sa Undas

By Angellic Jordan October 04, 2019 - 03:25 PM

Maagang nagsimulang maghanda ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nalalapit na Undas sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng NCRPO, sinimulan na nila ang inisyal na paghahanda para sa seguridad sa Nobyembre 1.

Layon aniya nitong matiyak ang mapayapang paggunita ng Araw ng mga Patay sa Metro Manila.

Ani Eleazar, nagsimula nang makipag-ugnayan ang NCRPO sa mga ground commander sa mga opisyal ng iba’t ibang terminal, sementeryo, local government unit at iba pa.

Binabantayan na rin aniya ang mga indibidwal o grupo na posibleng manggulo sa Undas.

TAGS: Araw ng mga Patay, Metro Manila, NCRPO, Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Undas, Araw ng mga Patay, Metro Manila, NCRPO, Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.