Hailstorm naranasan sa South Cotabato
By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 03:17 PM
Nakaranas ng pag-ulan ng yelo sa Surallah, South Cotabato.
Naranasan ito Huwebes (Oct. 3) ng hapon,
Ayon kay Surallah Mayor Antonio Bendita, mula kasi sa sobrang init ng panahon ay biglang nakaranas ng pag-ulan sa kanilang lugar noong hapon.
Sinabi ni Bendita na sa dalawang barangay sa kanilang bayan naranasan ang hailstorm.
May kaakibat na malakas na hangin ang pag-ulan dahilan para may magtumbahan pang mga puno.
Ilang bahay pa ang nabagsakan ng tumumbang mga puno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.