MRT-3 may alok na libreng sakay sa mga guro bukas para sa selebrasyon

By Dona Dominguez-Cargullo October 04, 2019 - 02:36 PM

May alok na libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga guro bukas araw ng Sabado, Oct. 5.

Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Teachers’ Day.

Sa pahayag ng pamunuan ng MRT-3, maaring makasakay ng libre sa MRT ang mga guro mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:30 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ng mga guro ang kanilang Professional Regulatory Commission (PRC) license o ang kanilang faculty ID para ma-avail ang libreng sakay.

TAGS: free rides, Metro Rail Transit Line 3, National Teachers’ Day, free rides, Metro Rail Transit Line 3, National Teachers’ Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.