Kaso sa ‘ninja cops’ dapat muling pabuksan ni Albayalde

Para patunayang wala siyang pinoprotektahan dapat ay muling pabuksan ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang kaso ng mga ‘ninja cops’.

Ito ay payo ni Senator Panfilo Lacson kay Albayalde.

Aminado si Lacson na kahit siya ay may pagdududa na kay Albayalde matapos ang mga isiniwalat sa sa pagdinig sa senado.

Pero sa ngayon ayon kay Lacson, hindi maaring basta na lamang akusahan si Albayalde na sangkot ito sa ‘ninja cops’ o may pinagtakpan ito.

Payo ni Lacson kay Albayalde, bago ito magretiro sa pwesto, madaliin niya ang pagpapa-review sa kaso ni Maj. Rodney Baloyo at iba pang kasamahan nito.

Read more...