Red lightning alert itinaas sa NAIA; operasyon ng paliparan pansamantalang inihinto

By Angellic Jordan October 04, 2019 - 02:07 PM SHARE(S):

Pansamantalang inihinto ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Biyernes (October 4).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay makaraang itaas ng PAGASA ang red lightning alert bandang alas 1:23 hapon.

Dahil dito, sinuspinde ang lahat ng flight at ground operation sa nasabing paliparan.

Ayon sa MIAA, alas 2:41 ng hapon nang ibaba sa yellow lightning ang alerto at muling mag-resume ang operasyon sa NAIA.

TAGS: Manila International Airport Authority, Ninoy Aquino International Airport, Red Lightning Alert, Manila International Airport Authority, Ninoy Aquino International Airport, Red Lightning Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.