LOOK: Mahigit 3,000 guro sa Makati tumanggap ng libreng gamit sa pagtuturo

May regalong handog ang pamahalaang lungsod ng Makati sa mga guro sa pagdiriwang ng World’s Teachers Day.

Ayon sa Makati City Government, 3,100 na mga guro sa lungsod ang tumanggap ng libreng mga gamit sa pagtuturo.

Laman ng Teacher’s Kit ang mga sumusunod:

• Bluetooth Speaker
• Wireless Presenter
• Tumbler
• Teacher’s Plan
• Students Data Record
• First Aid Kit
• Makatizen Pouch
• School Supplies
• Notepad
• 64GB Flashdrive
• Voice Amplifier
• Laptop Bag
• at Makatizen Jacket

Bukas October 5, 2019 ay gugunitain ang Teachers Day.

At dahil natapat ito ng Sabado, nagdeklara na ng suspensyon ng klase ngayong araw sa Makati City upang maagang makapagdiwang ang mga guro.

Read more...