Pagpapakalat ng fake news kaugnay sa 2020 budget dapat iwasan ng Senado ayon kay Rep. Defensor
Nanawagan House Committee on Public Accounts Chairman at Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa Senado na huwag magbigay ng fake news sa publiko patungkol sa 2020 budget.
Ayon kay Defensor dapat iwasan na ang pagpapakalat at paniniwala sa mga tsismis sa oras na simulan ang budget debate sa Mataas na Kapulungan.
Nagpahayag naman ng pagsuporta ang Kamara sa panawagan ni Senate President Tito Sotto III para sa bukas at transparent na debate at pagtalakay sa 2020 national budget.
Ipinagmalaki pa ni Defensor na nauna itong ginawa ng Kamara nang isapubliko ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang institutional amendments na ginawa sa pambansang pondo.
naging mainit sa Kamara ang Senado kaugnay P4.1 trillion national budget matapos na ihayag ni Senator Ping Lacson na may natatagong pork barrel ang mga kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.