Sub-leader ng Abu Sayyaf arestado sa QC

Bumagsak kamay ng pulisya at militar ang isang hinihinalang sub-leader ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ang naarestong ASG sub-leader na si Ibrahim Lambong Mullo.

Nakabase si Mullo sa Patikul Sulu at miyembro din ng Ajang Ajang Group.

Itinanggi naman ni Mullo na kaya siya nagpunta sa Metro Manila ay para maghasik ng karahasan.

Anya, andito siya upang maghanap ng trabaho.

Sinabi naman ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar na tatlong miyembro ng ASG ang na-monitor na nagtungo sa Metro Manila.

Read more...